Isinulat ni Jayson Alpuerto y Paque
Ang Seawall ng
Mauban ay malaki ang ginampanang papel sa bayan ng Mauban. Noong na hindi pa
naitatayo ang seawall na ito ay umaabot hanggang simbahan ang tubig ng dagat,
kaya't walang makikitang lumang bahay mula rito ngunit dahil sa seawall
napigilan ang tubig at natayuan pa ng maraming bahay ang mga lugar na abot nito
dati kagaya ng Sadsaran at Daungan dahil din sa seawall na ito maraming tao ang
nagkaroon ng hanap buhay dahil marami ang nagtitinda dito ng ibat ibang
pagkain. Ito rin ay nagsisilbing daungan o pantalan ng mga bangka.
Dito rin matatagpuan
ang Gacebo at Gat-uban na isa sa mga pasyalan sa bayan ng mauban kaya
nagsisilbi rin itong daanan ng tao, pasyalan, pahingahan, at bandingan ng mga
magkakaibigan, magkaka-ibigan at pamilya. Sariwa ang hangin at matatanaw ang
ibang isla o bayan sa harap ng seawall na ito. Kaya kung ikaw ay magagawi sa
lugar na ito ay kaginhawahan at kasiyahan ang iyong mararamdaman dahil sa mga
taong makikita mo sa seawall na ito.