Taas noo, Maubanin kami AY!
Sa pamamagitan ng Blog na ito ay mapupukaw ang iyong damdamin bilang isang anak ng Maubanin. Ang Blog na ito ginamit lamang para sa aming activity sa Creative Writing sa gabay ni Sir Econ.
Tuesday, October 3, 2017
Simbahan, Ang Sentro ng Mauban
Isinulat nina Kim Jhesler Aguelo at Girlie Maningas
Mga relihiyoso ang karamihan sa mga tao na naninirahan sa bayan ng Mauban, kaya hindi maikakaila na ang Simbahan ang sentro ng bayan. Ito ay isang matandang simbahan na nananatiling nakatayo sa Mauban. Dinarayo ang simbahan dahil sa pagiging matandang simbahan nito ay sumasabay rin ito sa takbo nang panahon at nagiging moderno. Kapag mapapadaan ka, sakay ka man o lakad, makiki tang aagaw pansin agad ang isang dambana o estatwa ni hesukristo sa harap ng simbahan, may nakapalibot na apat na poste naman na nagsisilbing ilaw nito kapag gabi.
Ang simbahan ay matatagpuan sa harap ng munisipyo nang bayan, kaya naman siguro pinagpapala ang bayang mauban ay dahil sa pagkakaroon ng presensyang ispiritwal at pananalig sa poong maykapal ng bawat mamamayan ng bayang Mauban. Tuwing linggo naman ay maririnig mo tuwing umaga ang tunog at kalampag nang kampana na wari'y nangangakit sa pagsimba, kaya naman hindi nakakapagtaka na tuwing linggo ay napakarami ang nagsisimba, maging isang buong pamilya, maging isang grupo ng magkakaibigan, o maging isang tao man na may personal na pinagdadaanan o pinasasalamatan ay naroroon at makikita mong nananalanging mataimtim para sa pasasalamat o pananalangin sa diyos na may lalang.
Kapag naman sumapit ang gabi, mapaanong araw man, lunes hanggang linggo ay makikita at lalo mong magugustuhan ang simbahan dahil sa mga ilaw na nagpapaningning sa bawat daanan at sulok nito, asul na ilaw, mapadilaw at iba pang kulay nang ilaw ay matatagpuan, kaya naman habang pinakikiramdaman at ninanamnam ang kasarapan ng simoy nang hangin sa gabi habang nakaupo sa isang tabi sa labas ng simbahan ay masarap kumain ng balot o kaya naman penoy, maging chicharon ay hindi mo makakalimutan lalo na kapag may kasama kang mga kaibigan. Sagrado ang simbahan para sa mga maubanin, itinuturing nila itong yaman gaya nang iba pang ipinagmamalaking tanawin at tourists spots ng mauban. Durung ganda sa Mauban! Pero bago ang lahat, daanan mo muna ang simbahan pag papunta ka, dumaan ka rin sana pag paalis na kapag ikaw ay isang turista o talagang taga roon, iyon ay para sa maganda at ligtas na paglalakbay. Mabuhay!
Monday, October 2, 2017
Isinulat ni Jayson Alpuerto y Paque
Ang Seawall ng
Mauban ay malaki ang ginampanang papel sa bayan ng Mauban. Noong na hindi pa
naitatayo ang seawall na ito ay umaabot hanggang simbahan ang tubig ng dagat,
kaya't walang makikitang lumang bahay mula rito ngunit dahil sa seawall
napigilan ang tubig at natayuan pa ng maraming bahay ang mga lugar na abot nito
dati kagaya ng Sadsaran at Daungan dahil din sa seawall na ito maraming tao ang
nagkaroon ng hanap buhay dahil marami ang nagtitinda dito ng ibat ibang
pagkain. Ito rin ay nagsisilbing daungan o pantalan ng mga bangka.
Dito rin matatagpuan
ang Gacebo at Gat-uban na isa sa mga pasyalan sa bayan ng mauban kaya
nagsisilbi rin itong daanan ng tao, pasyalan, pahingahan, at bandingan ng mga
magkakaibigan, magkaka-ibigan at pamilya. Sariwa ang hangin at matatanaw ang
ibang isla o bayan sa harap ng seawall na ito. Kaya kung ikaw ay magagawi sa
lugar na ito ay kaginhawahan at kasiyahan ang iyong mararamdaman dahil sa mga
taong makikita mo sa seawall na ito.

Pinagmamalaking Palikuran ng Bayan ng Mauban
Isinulat ni: Maria Angelie Maningas
Larawang kuha sa Google
Dito sa bayan ng Mauban makikilala natin ang tinatawag na Public Bath. Ang Public Bath ay nagsilbing pampublikong lugar para sa paliligo, paghuhugas at pag-inom ng tubig. Ginawa ito noong 1725 ng mga Dumagats, at ito din ay gawa sa tinatawag nating limestone at seashells, na ngayon ay sinara na at naging tourist spot. Sa panahon ngayon ito ay ipinahayag bilang isang mahalagang kultural na ari-arian ng National Museum of the Philippines.
Ang Sentro ng Mauban
Isinulat nina: John Lloyd Escudero y Manaog at Cristel Joyce Maningas y Alonte
Larawang kuha sa Google
Rizal hill park o mas kilala sa tawag na Kalbaryo, isang maka saysayang lugar na pinapahalagan at iniingat-ingatan ng mga maubanin .Ayon sa nag pa salin- saling kwento kakaiba ang lugar ito na may kasaysayan ng mag kasintahang mortal at sirena Si lakan at lakambini at nang pumanaw raw ito ay nag iwan umano ng ginto sa naturang bundok . ang rizal hill park ay isang bundok ng sierra madre Lugar na mayaman sa kasaysayan na naging saksi sa pananakop ng mga espanyol amerikano at hapones , isa sa mga lugar na dinarayo ng mga maubanin maging mga turista, idineklarang national historical landmark ng bayan ng mauban. Isa lang ito sa ganda ng mauban na kung saan iyong mga mata'y mapapabaling kung saan saan .Mararamdaman ang dampi ng sariwang hangin na nagbibigay ng kaginhawahan sa iyong katawan at kapayapaan ang iyong mararamdaman maging sayong damdamin. GINTO kung ituring sa aming mga maubanin. Halina't akyatin ganda ng tanawin na matutunghayan sa aming bayan ng Mauban!
Thursday, September 28, 2017
Alam mo ba na?
![]() |
Gat Pangil o Gat Uban |
![]() |
Malauban Tree (Putat) |
Kasaysayan:
Pinagmulan ng Mauban
Isinulat ni: Mark Jetro Novio y Bombay
Hango sa pagsusuri at larawan ni: Sir Donald Par Villamarzo
Isinulat ni: Mark Jetro Novio y Bombay
Hango sa pagsusuri at larawan ni: Sir Donald Par Villamarzo
Dalawa ang bersyon ng
pinagmulan ng pangalan ng ating bayan. Ngunit iisa lamang ang nalalaman ng
nakararami.
Una na rito ang bersyon ni Gat-Pangil o mas kilala sa tawag na Gat-Uban. Siya ang namuno sa
pakikipaglaban sa mga dayuhang moro na bumibihag ng mga maubanin upang
ipagbili. Bilang paragal, siya ang sinusugan ng pangalan ng Bayan ng Mauban.
Ang Ikalawa ay ang
puno ng Malauban (Lamog) o kilala rin sa tawag na “Putat”. Noon na ang simbahan
pa ng mauban ay nasa Soleda, ang Kura na namumuno noon ay nakita ang rebulto ni
San Buenventura sa puno ng Malauban sa lugar kung saan nakatayo ngayon ang
simbahan. Walang nakaaalam kung paano napunta ang rebuto ni San Buenavetura
sa punong iyon. Kaya’t itong ating bayan
ang tinawag na Malauban. Di naglaon ay tinawag na bilang Mauban.
Ano pa man ang
bersyong paniwalaan mo dapat mo itong ipamalaki dahil ito ay sariling atin.
Mabuhay ka MAUBANIN!
Subscribe to:
Posts (Atom)