Thursday, September 28, 2017

Alam mo ba na?

Gat Pangil o Gat Uban

Malauban Tree (Putat)

Kasaysayan: Pinagmulan ng Mauban

Isinulat ni: Mark Jetro Novio y Bombay
Hango sa pagsusuri at larawan ni: Sir Donald Par Villamarzo

Dalawa ang bersyon ng pinagmulan ng pangalan ng ating bayan. Ngunit iisa lamang ang nalalaman ng nakararami.

Una na rito ang bersyon ni Gat-Pangil o mas kilala sa tawag na Gat-Uban. Siya ang namuno sa pakikipaglaban sa mga dayuhang moro na bumibihag ng mga maubanin upang ipagbili. Bilang paragal, siya ang sinusugan ng pangalan ng Bayan ng Mauban.

Ang Ikalawa ay ang puno ng Malauban (Lamog) o kilala rin sa tawag na “Putat”. Noon na ang simbahan pa ng mauban ay nasa Soleda, ang Kura na namumuno noon ay nakita ang rebulto ni San Buenventura sa puno ng Malauban sa lugar kung saan nakatayo ngayon ang simbahan. Walang nakaaalam kung paano napunta ang rebuto ni San Buenavetura sa  punong iyon. Kaya’t itong ating bayan ang tinawag na Malauban. Di naglaon ay tinawag na bilang Mauban.

Ano pa man ang bersyong paniwalaan mo dapat mo itong ipamalaki dahil ito ay sariling atin.


Mabuhay ka MAUBANIN!

No comments:

Post a Comment