Thursday, September 28, 2017

Byaheng pa Mauban!

"You are now entering the Municipality of Mauban"
Isinulat ni: Chandy Mae Fortunado y Lapasiones
Larawang kuha ni: Sir Francis Ong (Mauban Heritage Advocates)

Ang aming munting bayan ng Mauban sa probinsya ng Quezon. Bayan na kilala sa niyog at iba't ibang produkto na tatak Maubanin. Mahaba habang byahe ang iyong mararanasan patungo sa Mauban. Mula sa Lucena, Quezon ay isang oras na byahe pa Mauban. Kung sa Manila naman ay mahigit anim na oras patungo dito.

 Mula sa aking kapanangakan hanggang sa kasalukuyan namuhay at lumaki ako sa bayan ng Mauban. Mayaman sa kultura at tradisyon ang aming bayan na aking nakagisnan. Iba't ibang pook na talagang dinadayo dahil sa angkin at mahiwagang ganda sa aming bayan. Iba talaga pag taga Mauban!

Simpleng pamumuhay ang karamihan sa mga taga Mauban. Pagsasaka at Pangingisda ang mga pangunahing hanapbuhay ng isang Maubanin sapagkat ang bayan namin ay nasa katabi lamang ng dagat. Kilala ang mga kababaihan ng Mauban sa mga produktong lala at habi. Sikat din na produkto ng bayan namin sa Nipanog na Lambanog na gawa sa niyog. Maubanog Festival ang taunang pista sa aming bayan bilang pasasalamat kay St. Bonaventure sa masaganang ani.  Calvario Hills, at Cagbalete island ay ilan lamang sa dinarayo sa Mauban. KAYA'T TARA NA AT TUKLASIN ANG HIWAGANG GANDA NG BAYAN NG MAUBAN!

No comments:

Post a Comment